Valley fever
Pakikipag-usap sa Doktor tungkol sa Valley Fever
Kung may mga tanong ka tungkol sa Valley fever o sa palagay mo ay mayroon ka nito, siguruhing makipag-usap sa doktor o tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan. Ang sintomas ng Valley fever ay maaaring abutin ng 1 hanggang 3 linggo para lumabas matapos masinghot ang fungus mula sa alikabok sa hangin sa labas. Ang mga sintomas na ito ay maaaring mapagkamalang ibang mga sagot at malamang ay magtatagal ng ilang linggo. Ang tanging paraan para malaman kung mayroon kang Valley fever ay ang pagpapatingin sa doktor.
Sabihin sa iyong doktor o tagapaglaan ng pangangalaga ng kalusugan kung:
Nagkaroon ka ng anuman sa mga sumusunod na sintomasa nang mahigit isang linggo: ubo, hirap sa paghinag, kapaguran, lagnat, kirot sa dibdib, pagpapawis sa gabi, kirot sa kalamnan o kasu-kasuan, pagbubutlig, sakit ng ulo, o hindi mapaliwanag na pagbawas ng timbang
Nagbiyahe ka sa o sa ilang mga lugar kung saan ang Valley fever ay karaniwan (sa Ingles)
Ang pagtrabaho mo sa labas sa maalikabok na mga lugar o sa paligid ng mga lugar ng trabaho kung saan ang dumi at alikabok ay nahalungkat (halimbawa, sa mga lugar ng konstruksiyon o paghuhukay)


